Monday, August 13, 2007

LIPUAN

Alam nyo ba ang ibig sabihin ng lipuan? Ang lipuan ay kombinasyon ng 2 salita - lipat at upuan. Ito ang tawag ko sa mga taong adik sa harap ng upuan ng bus. Para bang nasisilaban ang pwet pag sa ibang lugar nakaupo na kailangan talaga ay malipat sila sa harap.

Alam nyo naman dito sa Makati eh mahigpit ang mga MAPSA (Mustard Ang Para Sa Akin) kaya may mga designated loading and unloading zones. Ang problema eh pag pasukan sa umaga, mas nauuna ang loading zone dito sa may Standard Chartered so puno na ang bus, mas napupuno pang lalo. Ang susunod na stop dun ay ang unloading zone na at yun ang designated stop ko at ng kalahating milyon pang mga Pilipino. Dito talaga 95% ng laman ng bus eh ubos. Akmang bababa na kami ng sambayanan ng biglang may mga taong sisingit sa'yo sa pila ng mga pababa at nagmamadali. Syempre ako naman papasingitin ko kasi baka nga naman late na sila at bawasan ng sweldo kawawa naman. Yun pala ang mga panget eh lilipat lang ng upuan sa harap! Super sarap nilang sabihan na "Hoy paunahin nyo na kaming mga bababa talaga at pag alis namin kahit humiga ka pa pwede!" Di ba bwisit talaga?

Isang time pa nga 2nd to the last ako bababa nang yung nasa harap ko lipuan pala! Syempre akala nung driver lipuan din ako at umandar na. Alam mo kung saan na ako naibaba? Sa Shangri-la na eh Rufino lang ako. Arrrrgh nag cab pa ako to Rufino kasi late na ako! Napagastos pa tuloy ako. Kaya I therefore conclude na salot ang mga lipuan sa lipunan at dapat silang tisurin pag nakasabay mo sa bus.

No comments: